-
3500 BCE
Pagsibol ng Kabihasnang Mesopotamia
Sa pagitan ng Ilog Tigris at Euphrates, umusbong ang kabihasnang Mesopotamia. Ang mga Sumerian ang bumubuo ng mga lungsod tulad ng Ur at Uruk, at lumikha ng cuneifrom, ang unang sistemang pagsusulat. Dito rin nagsimula ang organisadong pamahalaan, batas, at relihiyon. -
2500 BCE
Kabihasnang Indus at sa Timog Asya
Umusbong sa lambak ng Indus ang mga lungsod tulad ng Harapa at Mohenjo-Daro. Kilala ang kabihasnang ito sa mahusay na urban planning, mga tuwid na kalsada, paliguan, at sistema ng tubig. Wala pang lubos na pagkakaunawa sa kanilang pagsusulat ngunit makikita ang kaunlaran sa arkitektura at teknolohiya. -
1600 BCE
Dinastiyang Shang sa Tsina
Ang Shang ang unang dinastiyang may konkretong ebidensyang arkeolohikal. Kilala sila sa mga bronse, palasyo, at oracle bones na ginagamit sa paghula. Ito rin ang simula ng pagsusulat sa Tsina. -
550 BCE
Pag-usbong ng Imperyong Persian
Itinatag ni Cyrus the Great ang Imperyong Persian at pinalawak ito ni Darius I gamit ang satrapy system. Ipinatayo rin niya ang Royal Road, para sa komunikasyon at kalakalan ng imperyo. -
221 BCE
Pagkakabuo ng Dinastiyang Qin
Pinag-isa ni Qin Shi Huang ang Tsina at ipinatupad ang mahigpit na pamahalaan sa ilalim ng Legalismo. Ipinatayo niya ang unang bahagi ng Great Wall at nagpaggawa ng Terracotta Army bilang libingan. -